Una sa Balita

Sumuko ka na kap

0 351

Araw ng Lunes nang i-SINO ko ang pambu­bugbog ng isang Barangay Chairman sa isang menor de edad.

Ang dahilan – hindi siya kilala ng bata.

Ang resulta – bugbog sarado ang biktima mula sa bagsik ng kamao ni Kapitan at umano’y nakisawsaw pa ang 5 kagawad.

Sa ngayon patuloy na pinaghahanap sina Kapitan .

BALITAWIT

KAILAN ( SMOKEY MOUNTAIN )

Bakit kaya nanga­ngamba
Ayaw pa ring magpakita
Dahil ika’y ‘di nakilala!
Ilang ulit nang nagka­bangga
Itong paslit binugbog mo nga…
Dahil hindi ka nakilala!

REFRAIN

Bawat ilag sinasapak…
Ayaw namang magpaawat
Bakit ba yan dapat gawin?
Bakit kaya umiiwas?
Ulo’t binti’y mayroong gasgas
Dahil hindi ka nakilala!
Pati mukha ay hinampas…
Kahit na siya’y walang lakas..
Sige pa rin. Kay a­ngas angas !!

REFRAIN

Bawat suntok sinasalo…
Bawat tadyak at pagpalo..
Ano ba ang dapat gawin

CHORUS

Kailan (kailan), kailan nga ba mahuhuli si Kap. Felipe…
Kahit ano’ng ating gawin, ‘di pa nahuhuli!
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang kasong bitin na bitin
Kahit ano’ng gawing lambing, nagtatago pa rin !

AD LIB

Ano mayroon sa puso mo?
At kay bagsik ng kamao!
Dahil hindi ka nakilala !

REFRAIN

Bawat suntok sinasalo…
Bawat tadyak at pagpalo..
Ano ba ang dapat gawin?

CHORUS

Kailan (kailan), kailan nga ba mahuhuli si Kap. Felipe…
Kahit ano’ng ating gawin, ‘di pa nahuhuli!
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang kasong bitin na bitin
Kahit ano’ng gawing lambing, nagtatago pa rin !