Una sa Balita

‘Sumpa’ sa Lakers, tinapos ni LeBron

By
0 386

PASABOG si LeBron James ng 36 points at 10 rebounds, at umahon ang Los Angeles Lakers mula 20-point deficit para kalusin ang Chicago Bulls, 123-107, Martes nang gabi.

Natuldukan ang five-game losing streak ng Lakers.

Tumagal ng 33 minutes sa loob si LeBron, buhos pa rin ang laro kahit nasa labas ng playoff picture ang Lakers (31-36) na nasa 11th sa West, malayo sa No. 8 Utah (37-29). Nasa unahan pa ng LA ang Minnesota (32-36) at Sacramento (33-33).

Nag-take over si James nang bumaba sa apat ang lamang ng Lakers 8:38 sa laro. Una siyang nagbaon ng jumper at sa sumunod na posesyon ay sumagasa sa lane para sa payanig na dakdak.

Hindi pa doon natapos si LeBron.

Isang 3-pointer ang pinakawalan niya sa harap ni 7-foote­r Robin Lopez, tinapos ang atake nang sundan sa ere ang pabandang pasa sa backboard ni Josh Hart tungo sa reverse dunk, 115-101 Lakers 5 minutes sa orasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy