Una sa Balita

Summer Romance hiniya si Victorious Colt

0 273

SINISIW ng dehadong si Summer Romance ang mga naliyamado sa 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Local Stakes Race” na pinasibat sa pang-siyam na karera sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City Batangas.

Nilampaso ni Summer Romance ang nakalaban nito sa unahan at liyamadong si Victorious Colt na nirendahan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the year awardee O’Neal P. Cortez.

Nakipag-ubusan ng lakas si Summer Romance kina Victorious Colt at Scarborough Shoal.

Hindi bumitaw sa bandera si Summer Romance, pagsapit ng huling kurbada ay si Victorious Colt na lang ang karibal nito sa unahan.

“Nakakabilib si Summer Romance simula pa lang ng laban ay nakipag-ubusan na siya ng lakas akala ko kakapusin, pagdating ng rektahan nararamdaman ko na gustong-gusto pa niyang tumakbo,” saad ng hinete ni Summer Romance na si class A rider Jessie B. Guce.

Pinalo ng latigo ni Guce si Summer Romance sa huling 100 metro ng karera para manatili sa unahan at tawirin ang meta ng may kalahating kabayo ang agwat sa sumegundong si Victorious Colt. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy