Una sa Balita

Summer na naman!

By
0 666

Summer na. Ma­tindi ang init. Mahapdi sa balat ang sikat ng araw. Ibayong pag-iingat ang kaila­ngan ng mga pamilya, kabataan, at nakatatanda para lubos na ma-enjoy ngayong tag-init.

Mabuti sa katawan, sabi ng mga doktor, ang sikat ng araw sa sunrise hanggang umaga, ngunit unti-unting nagiging peligroso na sa katawan habang nagtanghali na papahapon.

Kaya ang jogging at exercise ay mainam sa umaga. Ngunit iginigii­t ng ilang eksperto na mahusay rin ito kapag da­pithapon hanggang sa gabi. Nakapagpapasarap ito ng tulog, sabi nila.

Sa umaga rin, mai­nam mag-swimming at mag-sunbathing. Pero huwag magbabad sa pagsa-sunbathe at paliligo sa mga swimming pool at lalo na sa mga beach resort.

Nakakasama kasi ang matagalang pagbibilad sa matinding init. Nakahihilo ito at nakahihimatay.

Nakapagdudulot ito ng heatstroke. Nakamamatay rin ang sob­rang exposure sa araw. Katunayan, ayon sa Private Hospital Association of the Philippines, 5-10 Filipino ang tinatamaan ng heatstroke araw-araw, at higit itong tumataas sa summer.

Kaya mahalaga na sa panahong ito na matindi ang araw, tiyaking presko at well-ventila­ted ang inyong pinag­lalagian, bahay man o bakasyunan. Kung maaari, bawasan ang sobra-sobrang activity at gawin na lang ito kapag lumamig na ang pa­ligid. Magpahinga pa­lagi at uminom ng maraming tubig, gaya ng walong baso ng liquids kada araw, o kaya’y dala­wa hanggang tatlong lit­ro ng malinis na tubig-inumin. Palagiang mag-shower o maligo hindi lang isa o dalawang beses bawat araw. Magsuot ng mga damit na magaan suotin at hindi matingkad ang kulay.

Masayang sabayan at pagmasdan ang buong mag-anak o barkada na buong araw, hapon, at magdamag na nagtatampisaw sa tubig kapag summer vacation. Siguraduhin lang na la­ging may nakaalistong bantay para iwas disgras­ya, at para pigilan na sa pagtatampisaw ang mga nakababad nang matagal para hindi sila magkasakit sa balat.

Dahil kasi sa dami ng kasabay sa mga swimming pool at beach, usong-uso rin ngayon ang ilang sakit sa balat na kalimitan pa ay nakahahawa. Iba-iba ang gamot depende sa klase, pero pinakamaganda pa rin ang pag-iwas.
Be careful. Be happy, healthy and well.