Una sa Balita

Summer jobs

By
0 504

May pagkakataon pong kumita ngayong summer vacation ang mga estudyanteng nasa sekundarya, tech-voc o kolehiyo sa pamamagitan ng Special Program for Employment of Students o SPES.

Halos 160,000 mga trabaho po ang ipagkakaloob ngayong summer sa mga estudyante at out-of-school youth (OSY) edad 15-30 taong gulang. Naglaan po ng P708 milyong budget para sa SPES ang DOLE.

Kapag nakapasok sa SPES, makakatanggap ng sweldong katumbas ng minimum wage. Halimbawa, nasa 512 po ang maaaring kitain ng estudyante sa NCR. May insurance coverage din sa pamamagitan ng GSIS. Tatagal po ang trabaho sa SPES mula 20 hanggang 78 araw o buong summer break.

Abante Hiring – IT dep

Kung sakaling makapasok sa parehong kompanya o opisina ang estudyante pagka-graduate, kasama na po sa probationary period n’ya ang bawat araw na ginugol n’ya bilang SPES worker.
Posible ring mabigyan ng credit units ang mga estudyanteng makakapasok sa mga trabahong may kinalaman sa kanilang kurso sa kolehiyo.

Ang mga sumusunod po ang mga trabahong maaaring makuha sa mga opisina ng gobyerno o sa mga pribadong kompanya: encoder, admi­nistrative assistant, interviewer, clerk, cashier, waiter, service crew, atbp.

Prayoridad po ng programa ang mga “poor but deserving students”. Ibig sabihin, pasado lahat ng marka at mula sa mga pamilyang kumikita ng hindi lalampas sa regional poverty threshold o 11,000 kada buwan.

Para sa mga interesado at kwalipikadong estudyante, maaari ka­yong makipag-ugnayan sa mga opisina ng PESO sa inyong lugar.

Kailangan ding mag-fill-up ng SPES Application Form at magsumite ng latest Income Tax Return (ITR) mula sa BIR, ID o Birth Certificate, School Registrar Certification na pasado lahat ng grado sa huling semestre.

Para naman po sa mga OSY, kailangan kayong magtungo sa Social Welfare Development Office sa inyong lugar para makakuha ng Certification as OSY.

Maaari pa ring mag-apply ngayong summer ang mga nakapasok sa SPES noong isang taon basta’t hindi pa nakaka-graduate sa eskwela.

Suportado po natin ang SPES dahil magpapayabong po ito ng kaa­laman at competency ng mga kabataang Filipino.

Job Fair Schedule:

Related Posts

Maharlika

Bawat araw

Expo Kinabukasan, Trabaho Garantisado

Natalio G. Velez Gymnasium, Silay City

March 26

San Isidro, Davao Oriental Job Fair

Mayor Apolinar Ruelo Convention Center

San Isidro, Davao Oriental

March 26

Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan Job and Business Fair

Cuneta Astrodome, Pasay City, Manila

March 26

Cor Jesu College Job Fair 2018

Sacred Heart Ave, Digos City

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)