Una sa Balita

Summer heat, sasagitsit na!

By
0 8

Lalo pang titindi ang tag-init sa mga susunod na araw dahil sa patikim ng paparating na summer season, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa Pagasa, ang nararanasang mainit na panahon at maalinsangang temperatura ay bunsod ng umiiral na easterlies na mula sa Pacific Ocean.

Hindi pa pormal na inaanunsyo ang pagbubukas ng tag-init dahil umiiral pa ang Northeast Monsoon o hanging amihan sa Hilagang Luzon.

Pero sa pagtaya ng ahensya, posibleng pumasok ang summer heat nitong mga susunod na araw dahil sa paglakas ng umiihip na easterlies o maalinsangang hangin mula sa Dagat Pasipiko.

“By Monday until Friday (March 27-31), easterlies will prevail across the archipelago as the ridge establishes over the central part of the Northwest Pacific Ocean,” ayon sa weekly weather outlook ng Pagasa.

Pinaghahanda na rin ng Pagasa ang publiko sa matinding init dulot ng summer season na posibleng sabayan umano ng El Niño o matinding tagtuyot.

Sa pagtaya ng weather bureau, posibleng pumalo sa 35.9 degrees ang heat index sa Metro Manila.

Ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng isang tao batay sa air temperature at humidity.