Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sumirit sa Omicron: Buong mundo 300M na COVID case

0 184

Pumalo na sa 300 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong Biyernes dahil umano sa mabilis na pagkalat ng Omicron variant.

Base sa mga ulat, kabilang ang Estados Unidos at France sa mga bansa kung saan sumisirit ang mga kaso ng dinapuan ng coronavirus.

Sa kabila nito ay bumaba naman ng tatlong porsiyento ang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID sa buong mundo.

Subalit nasa dalawang milyong bagong kaso kada araw ang naitatala sa buong mundo kung kaya’t nagbabala ang mga health expert na baka hindi kayanin ng healthcare system ng ibang bansa.

Una nang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon ng `tsunami’ ng COVID sa pagsulpot ng Omicron variant.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, mapanganib ang kumbinasyon ng Delta at Omicron na magdudulot ng matinding pressure sa health system ng mga bansa.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.