Una sa Balita

Sumbong ng Pinay DH: Nanette nagsuplada sa Hong Kong

0 379

By Rey P­umaloy

Kahit matagal na ring hindi akti-bo sa showbiz si Nanette Medved ay patuloy pa rin niyang pinahahanga ang mga taga-showbiz sa kanyang advocacy, ang makatulong sa mga less fortunate.

Naka-post sa Insta-gram ng dating aktres ang ilang mga larawan na kuha sa Marawi. Nakasaad sa caption na nag-turn over si Nanette ng walong classroom sa Marawi nu’ng Martes.

Ito ang pinuntahan niya para personal na ibigay sa mga kinauukulan ang mga ipinagawa niyang mga classroom.

May video pa na kumakain si Nanette kasama ang ilang mga babaeng Muslim habang naka-kamay.

Humanga si Iza Calzado sa humanita-rian effort ni Nanette kasama ng kanyang team ang HOPE.

Si Nanette ang founder ng Generation Hope, Inc. and Friends of Hope, ayon sa Wikipedia. Isang kompanya ito na nagpu-produce ng branded at co-brand na consumer products.

Bagama’t inulan ng mga papuri ang comment section ng IG post na ito ni Nanette, may isang follower ito na may account name na @mal_di_tah na kumontra sa sinasabing pagiging mabait ni Nanette.

Ayon sa kanyang comment, nadismaya siya at nawalan ng gana nu’ng tangkain niyang batiin ito sa Hong Kong. Dalawang beses daw siyang humarap kay Nanette at dalawang beses din siyang tinalikuran nito.

Sinabi ng follower na kasama niya ang kanyang alaga nu’ng sandaling ‘yun (kaya posibleng isang household helper ito). Sey pa niya, kilalang-kilala raw si Nanette sa school ng anak niya na suplada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy