Una sa Balita

Sumang, Parks ratsada sa OT

0 258

NAGTULONG sina Roi Sumang at Bobby Ray Parks, Jr. sa extra five minutes ng laban para tapusin ang two-game slide ng Blackwater Elite sa pamamagitan ng 104-99 overtime win kontra Magnolia Hotshots sa unang game kagabi ng 2019 PBA Commissioners Cup elimination phase sa Mall of Asia Arena.

“’Yung import namin sobrang nakatulong this game. Kulang kami sa firepower, nung dumating siya, nakatulong nang sobra sa amin,” wika ni Sumang, tinanghal na Best Player ng laban sa kinulektang 19 puntos, anim na dimes sa likod ng 6-of-11 field goal at perfect 6-of-6 sa foul line.

Angat sa 6-3 panalo-talo record ang Blackwater upang pansamantalang upuan ang solo third spot, habang lag­lag sa 6-2 win-loss mark ang Magnolia at natagpas ang limang dikit na panalo.

Tumulong din sa Elite sina Michael Digregorio ng 15 markers habang mayroon ding double digit output sina Allein Maliksi (14), import Staphon Blair (14) at Parks (11).

Nagtala si Paul Lee ng 11 puntos tampok ang perpekto nitong 3-of-3 sa tres habang mayroon din itong dalawang rebounds at assists habang ang import na si James Farr ay mayroon din 11 puntos, siyam na rebounds at isang assists sa pagtatapos ng unang hati ng labanan. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy