Una sa Balita

Sumaklolo sa mga biktima ni Ompong sa Cagayan

0 197

Kamakailan ay nagpaabot ng tulong ang grupo ng Anakalusugan sa probinsya ng Cagayan upang tulu­ngan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Ompong.

Ang relief operations ay isinagawa sa malalayong munisipalidad ng Cagayan na lubos na nasalanta ng bagyo gaya ng munisipalidad ng Sta. Teresita, Sta. Ana, at Lasam.

Sa tulong ng mga ilang grupo, nagpamahagi ang Anakalusugan ng mga food pack na may lamang bigas, noodles, at canned goods sa mga apektadong pamilya sa nasa­bing munisipalidad na nahihirapang makabangon sa pananalansa ng bagyong Ompong.

Nagpamigay din sila ng mga gamot sa bawat pamilya.

“Napili naming gawin ang inisyatibo na ito sa panahon na ang ating gobyerno ay kumikilos upang ibangon ang mga naging biktima ng bagyong Ompong. Ramdam namin na ngayon nila kailangan ang aming tulong,” ayon kay Atty. Adorlito Ginete.

“Sana’y makatulong ito para maka­bawi at makapagsimula sila sa buhay,” dagdag pa ni Ginete.

Humigit kumulang 26,300 na pamilya ang naapektuhan ng bagyong Ompong sa Cagayan na idineklarang nasa state of calamity upang mapabilis ang pagbawi nito.

Tinatayang P4.6 bilyon na halaga ng mga pananim at palaisdaan ang nasalanta, kasama na ang 76,000 na magsasaka na naapektuhan. Nasira din ang 76,000 na kabahayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy