Una sa Balita

Suma-sideline na pusher: Tricycle driver dinakma

By
0 353

DINAMPOT ng mga tauhan ng San Juan Police Station Drug Enforcement Unit (DEU) ang isang tricycle driver na una nang sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ matapos magbenta ng iligal na droga at ginawang sideline ang pagtutulak sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa nang gabi.

Ayon kay San Juan City Police Chief, PSSupt. Dindo Reyes, nakilala ang suspek na si Alberto Villarin, 32, residente ng San Roque St., Barangay Corazon de Jesus, San Juan City.

Isinailalim sa isang linggong surveillance ang suspek bago ito ares­tuhin kahit na sumuko na ito sa Oplan Tokhang at nang magpositibo ay agad na ikinasa ang buy-bust bandang alas-11:30 kamakalawa nang gabi sa kahabaan ng N. Domingo St., Barangay Ermitaño, San Juan City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy