Una sa Balita

Sultan minaliit ni Arum, Ancajas pinorma vs Yafai

By
0 1,618

HINDI pa man naisasagawa ang bakbakang Jerwin Ancajas at Jonas Sultan, may kasunod na agad na laban si Top Rank CEO Bob Arum para sa kasalukuyang IBF junior bantamweight king: unification bout kay Yemeni WBA super flyweight champion Kal Yafai bago matapos ang kasalukuyang taon.

Pero ayon sa ilang kritiko, masyadong mi­namaliit ng boxing promoter ang kakayahan ni Sultan. “Don’t count out Sultan,” ayon sa isang kritiko kaugnay sa pahayag ni Arum.

Bagama’t liyamado si Ancajas kontra Sultan, marami rin ang naniniwalang magbibigay ng magandang laban ang pambato ng Ala Boxing Stable.

Abante Hiring – IT dep

Magtutuos ang mag­kababayan sa Mayo 26 sa Selland Area sa Fresno imbes sa naunang plano na The Cosmopolitan sa Las Vegas.

Itataya ni Ancajas, 26, ang kanyang IBF super flyweight belt sa delikadong si Sultan, 26 din, na tinalo ang mga kapwa Pinoy na sina John Riel Casimero at Sonny Boy Jaro sa hu­ling dalawang laban niya.