Una sa Balita

Sultan Kudarat, niyanig

By
0 6

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang magnitude 4.1 na lindol sa bahagi ng Kalamansig, Sultan Kudarat kahapon.

Dakong alas-7:22 ng umaga nang ma-monitor ng PHIVOLCS ang pagyanig na may lalim na anim na kilometro at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa Kalamansig at Lebak, Sultan Kudarat habang Intensity II sa Lake Sebu, South Cotabato.

Wala nang inaasahang aftershocks at hindi rin umano makapagdudulot ng pinsala ang naturang lindol.