Una sa Balita

Sulit ang bakasyon kasama ang pamilya

By
0 1,106

SA unang pagkakataon sa pag­­­­sakay ko ng Su­perstar Virgo ni­tong nakaraang Biyernes Santo ay may halong excitement at pangamba ang aking na­ramdaman dahil sa mga balita na aking nasagap.

Ngunit ito ay kabaliktaran lahat ng nasa pahayagan dahil magmula sa Pier 15 sa check in counter hanggang sa pag-akyat sa barko ay well-assisted kami. Napakalinis ng ating terminal at napakalamig ng airconditioning units nila.
Ang alon sa dagat, hindi maiiwasan ‘yan pagdating sa high seas ‘ika nga.

Nakasama ko ang mga kasama sa traba­ho na sina ‘Tower of Power­’ Benjie Paras, ‘Flying A’ Johnny Abarrientos at si ‘Capt.’ Alvin Patrimonio.

Dala-dala din nila ang kanilang pamilya at asawa.

Nagkaroon din kami ng pagkakataon ni Alvin­ na makasama ang matagal nang fan ng Purefoods na si Joy Lim kasama ang kanyang pamilya.

Sa kauna-unahang pag­kakataon din, kami ay nag-basketball clinic sa taas ng luxury liner na may 220mph na hangin habang nagtuturo sa 100 kids na willing lahat matuto at magpakuha ng picture. Tingnan mo nga naman basta basketball walang pinipiling lugar.

Six times a day din ang pagkain dito sa cruise. Nakapamasyal kami sa ISHIGAKI Island. Nakapag-glass boat trip kami, Seesha Lion dog temple visit at shabu-shabu para sa lunch.

Sa huling parte ng trip hindi puwede siyem­pre na walang shopping. Kaya dumaan­ kami sa AEON MAX VALU store para sa Japanese products at DAISO.

Nakakatuwa naman dahil ang gaganda ng packaging ng bawat produkto dito sa Japan at kilala ang Japan sa mga high quality na produkto.

‘Pag kayo’y naka­pasyal sa Taipei ay dumaan muna kayo sa Vigor Kobo dahil nagbebenta sila ng masasarap na pineapple pastries at mga floss na hinahalo sa lugaw, kanin, tinapay at atbp.

Nakapasyal kami sa TAIPEI 101 isa sa pinakamataas na gusali sa Asia.

At siyempre kulang ang pasyal sa Taipei ‘pag hindi ka nagpunta sa streetfood nila na parang Binondo ang peg sa atin.