Una sa Balita

Sulat, papuri ni Sen. De Lima kay Agot binakbakan ng mga basher, troll

By
0 4,247

Hindi happy ang Independence Day para kay Agot Isidro kung pagbabasehan ang tweet niya sa araw mismo ng selebrasyon ng ating 120th year ng Kalayaan. Lumabas na naman kasi ang pagiging radikal niya laban sa administrasyon sa laman ng tweet niya.

“Independence Day. Tell that to the priests who’ve been shot just b4 attending to their flock. To fisher folk whose daily catch are robbed. To everyday people whose cases are tried in d streets, never seeing a day in court.

“Happy Independence Day? I don’t think so,” laman ng tweet ni Agot na may kasamang ilang litrato sa tinuran niyang kaganapan na nagmula sa isang netizen.

Sa isa naman niyang tweet, inilabas niya ang personal na sulat sa kanya ng naka-detain na si Senador Leila de Lima. Laman ng sulat ang pagbati sa kanya ng senadora sa nakaraang panalo niya sa Famas bilang Best Actress.

“Ang iyong husay sa propesyon at paninindigan sa mga isyung panlipunan ay inspirasyon sa marami nating kababayan. Maraming salamat sa pagsisilbing boses ng katwiran at katotohanan sa madilim na yugtong ito sa ating bayan…” bahagi ng sulat kay Agot ni Sen. De Lima.

“My prayers are always with you! #StayStrong,” parte ng pasalamat ni Agot sa senadora.

Siyempre, hindi nakalusot sa mga troll at hater sa social media si Agot. Tugon naman niya, “To the trolls bashers, haters, bots…Kebs.”

Of course, mas bongga if Agot should walk her talk sa social media nang sa gayon eh, maipagpatuloy rin niya ang laban ni Senador Leila de Lima, huh!