Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sulat ni Kathryn sa mga frontliner tagos sa puso

0 594

“Keep safe ang keep fighting. Matatapos din ito!”

“Thank you so much for your hardwork and dedication in serving the country to help fight coronavirus.”

“To our modern day heroes with no capes, we have so much respect in you.”

“Laban lang. Tiwala lang. We always include you in our prayers.”

“Salamat frontliners.”

Ilan lang ang mga ‘yan sa tagos sa pusong mensaheng insinulat ni Kathryn Bernardo sa mga card para sa mga frontliner.

Well, isa nga si Kathryn sa mga aktibong tumutulong sa mga frontliner, sa abot ng makakaya niya, at sa paraan na kaya niya.

Madalas nga ay ang pagpapadala ng mga pagkain ang ginagawa ni Kathryn.

At ngayon nga, katuwang ang Gatorade, personal na sumulat si Kathryn para sa mga frontliner. Aba, malaking tulong nga ito para sa mga frontliner, dahil malaking bagay nga sa kanila na may mga taong nag-aalala, nagdarasal para sa kanila. At lalo na kung katulad pa ni Kathryn.

Si Kathryn nga ang bagong brand ambassador nito. Na bagay nga raw dahil sa sobrang busy niya, na madalas ay nasa initan kapag taping, shooting, kailangan talaga niya ang maraming fluid sa katawan.

Well, kung may mensahe siya sa mga frontliner, of course, meron din para sa dyowa niyang si Daniel Padilla.

“Hindi enough ang thank you. Grabe lang yung alaga niya sa aming lahat. Hindi siya nagkulang—siya talaga yung nagse-set ng bar. I’m really thankful.”

Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.