Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suko na sa laban: Angel tanggap na ang pagkamatay ng Channel 2

0 1,000

May nabasa kami na diumano’y may pag-asa pang mapabuksan muli ang ABS-CBN kung ang mamamayan na mismo ang tila magra-rally o mala-people power at magpe-petition na pabuksan itong muli.

Kaya hindi na kami nagulat nang mag-noise barrage noong Sabado. Nag-ingay nga sa may ABS-CBN at mga katabing lugar nito.

Bilang pasasalamat daw sa 11 Kongresista na nag-Yes at para pagtuloy na tutulan ang pagsasara nito.

Si Angeline Quinto ay nagmura na sa kanyang Twitter account dahil sa nangyari.

Pero si Angel Locsin na isa sa masigasig makipaglaban at umapela umpisa pa lang ay nagpasalamat at tila “resigned” na mare-reverse pa ang desisyon.

Sabi na lang ni Angel, “Maraming salamat po sa mga nakiramay at nakisimpatiya sa amin. Hanggang sa muling pagkikita.” (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.