Una sa Balita

Suicide sa selda

By
0 7

Isang preso ang nagpakamatay sa loob ng selda sa BJMP sa Calamba, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Ramil Hipolito y Norgada, residente ng Barangay San Juan, Calamba.

Batay sa report ng Calamba police, dakong alas-11:45 ng tanghali nang tumalon ang biktima mula sa ikatlong deck ng kanyang kama habang nakalagay ang mga kamay sa kanyang likuran.

Una ang ulong bumagsak ang biktima at nagtamo ng grabeng pinsala.

Isinugod pa ito sa ospital subalit ideneklara din itong dead on arrival ng doktor.

Sa iniwang suicide note, humihingi ito ng tawad sa kanyang pamilya at ginawa niya umano ang pagpapakamatay dahil sa problema niya sa kanyang asawa.