Una sa Balita

Suicide natuloy sa pang-7 na beses

By
0 428

NAPAGTAGUMPAYAN ng isang 25-anyos na lalaki na wakasan ang sariling buhay sa ikapitong beses na pagtatangka sa Amadeo, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Henry Lacap, binata, ng Brgy Poblacion, Amadeo, Cavite.

Sa report ni PO1 Glenford Alcaraz ng Amadeo, dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang nadiskure ang pagpapakamatay ng biktima ng kanyang lola na si Juliana Baysa.

Ayon kay Baysa, natagpuan nito ang kanyang apo na na­kabitin ang leeg sa isang abandonadong bahay na pag-aari ng kanilang kapitbahay gamit ang isang copper wire kaya agad itong ibinaba ng kanyang pamangkin na si Edwin Basa at tinangkang i-revive.

Ayon sa kamag-anak ng biktima, anim na beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima at naagapan ito.

Subalit sa ikapitong beses ay natuluyan na ang biktima.