Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suicide case sa Pangasinan tumaas

0 114

Naalarma sa ngayon ang Pangasinan Provincial Health Office (PPHO) sa dumaraming kaso ng pagpapakamatay sa lalawigan sa Pangasinan.

Ayon sa PPHO, nakapagtala na sila ng kabuuang 56 na kaso ng pagpapakamatay dito sa lalawigan magmula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Sinabi ni PPHO officer Dr. Anna Marie de Guzman, na ang pagpapatiwalan ay maaaring may kaugnayan sa nararanasang pandemya. Aniya, karamihan na sanhi ng pagpapakamatay ay depression, problema sa kalusugan, sa pinansyal at problema sa kanilang pamilya o kinakasama at karamihan din sa paraan ng pagpapatiwakal ay pagbigti.

Ayon sa opisyal, counselling ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ng mga taong depress o problemado na makapag isip na wakasan ang kanilang buhay. Giit pa ni De Guzman na kailangang may mga psychologist na kakausap sa mga ito.

Gayunman, may Malaki umanong kakulangan sa mga espesyalista partkular ng mga psychiatrist at psychologist para sa mental health. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.