Una sa Balita

Suicide bombing sa Somalia, 17 patay

By
0 84

Nasa 17-katao ang nasawi sa suicide bombing sa Mogadishu, Somalia.

Sa ulat ng CNN, sinabi Police Capt. Osman Mohamed tinangka ng terror group na Al-Shabaab ang pag-assassinate sa bagong Somali military chief na si Gen. Ahmed Mohamed Irfid.

Naganap ang pagsabog sa isang kalye sa pagitan ng military academy at ministry of defense headquarters kung saan tinangka ng suicide bomber na ibangga ang sinasakyan nitong kotse na may lamang bomba sa sasakyang lulan si Irfid.

Sa halip na bumangga sa target na convoy, sumalpok ang suicide bomber sa isang minibus na may mga sakay na sibilyan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy