Una sa Balita

Suicide bombing sa Afghan hospital, 20 patay

0 200

NIYANIG ng malakas na pagsabog kahapon nang umaga ang isang ospital sa katimugang bahagi ng Afghanistan na ikinamatay ng may 20 katao at pagkasugat ng mahigit sa 90 matapos na umatake ang isang suicide bomber.

Agad namang inako ng Taliban ang responsibilidad sa nangyaring pagpapasabog na ikinasira ng bahagi ng ospital sa Qalat sa kabisera ng Zabul at pagkasira ng ilang ambulansiya.

Maagap namang inilabas ng mga dalaw ang mga pasyenteng nakaratay sa ospital kasunod ng pagpapasabog.

Maliban sa ospital ay bahagya ring napinsala ang gusali ng National Security Department.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy