Una sa Balita

SUICIDAL NA!

By , ,
0 3
dead-body
Nagtakip ng ilong ang isang pulis sa isang checkpoint nang dumaan ang isang pick-up sakay ang mga bangkay ng mga sibilyan na narekober sa isang bahay sa Marawi. (AFP)

Itinuturing nang suicidal ang mga natitira pang miyembro ng Maute Group sa Marawi City kung kaya’t prayo­ridad ngayon ng mga tropa ng pamahalaan na sagipin at ilayo sa gitna ng mga sagupaan ang mga naiipit na residente.

Ito ang inihayag ni Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dahil nagmamatigas pa rin at ayaw pang sumuko ng mga natitira pang kasapi ng Maute Group sa Marawi.

Layon ng pagsagip sa mga natititira pang residente sa Marawi City na mabawasan ang anumang komplikasyon sakaling kailanganin nang gawin ng militar ang mas ma­tindi pang opensiba laban sa Maute Group.

Gayunman, sinabi ni Padilla na hindi pa klaro kung ilang galamay pa ng Maute Group ang natitira sa Marawi City at kung mayroon pang mga sibilyan na naiwan sa kani-kanilang tirahan.

“We don’t have a complete number of trapped residents, as well as remaining militants. The situation has been very fluid. There have been reported…We have initially received information of about 40 to 50 armed elements.

But as you may have well known, the activities of the militants on the ground and these rebels have led to the freeing of over a 100 prisoners in the jail which they burned.

So quite a number of those prisoners may have joined ranks with them because some of them were imprisoned for joining the group,” paliwanag ni Padilla.

“We are also aware that there are sympathetic elements that may have been helping and may have also joined their ranks. So, as to this exact number of terrorists still remaining, exact figures at the moment are not available,” dagdag nito.

Sa ulat ng Agence France Presse (AFP), nangangamba umano ang mga awtoridad sa kaligtasan ng mga sibil­yan na na-trap sa ­sagupaan lalo pa’t hindi pa rin umano natatapos ang krisis sa Marawi at patuloy pa rin ang street-to-street battles gayundin ang military bombing campaign.

“They are texting us and calling us for help,” pahayag ni Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng provincial crisis management committee, kaugnay ng 2,000 katao na naitala ng kanilang tanggapan na hindi pa nakakaalis sa kanilang mga lugar na kinubkob ng mga terorista.

“They can’t leave ­because they are afraid of running into checkpoints put up by the gunmen,” ayon kay Alonto.

Sinabi ng mga awtoridad na may 19 na mga sibilyan na ang pinatay ng mga terorista, kabilang dito ay mga kababaihan at kabataan. Walong bangkay ang natagpuan noong araw ng Linggo na itinapon sa isang tulay sa Marawi.

Ikinuwento ng isang Myrna Bandung sa mga reporter sa isang checkpoint kahapon, na kasama niya ang walong biktima nang patayin ang mga ito.

“They did not kill me because I was able to recite a Muslim prayer. The others were not so lucky,” salaysay pa ni Bandung.

Samantala, sa pinakahuling ulat ng AFP kahapon, umabot na umano sa halos 100 katao ang kumpirmadong nasawi sa anim na araw na ­sagupaan ng mga tropa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera ng 1st Infantry Division, sa nasabing bilang ng mga napatay, magkahalong bangkay ng terorista at sibilyan ang narekober.