Suhulan sa Speakership ginatungan ni Cayetano

0 444

HUGAS-KAMAY si Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano sa lumabas na ulat na binalaan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mainit na labanan ng speakership.

Sa isang ambush interview sa Clark, Pampanga, paiwas na sinagot ni Cayetano ang isyu hinggil sa naging banta umano niya kay Pa­ngulong Duterte sa pulong sa Japan kamakailan na masisira ang bayan kapag hindi ito nakialam sa labanan ng House Speaker.

“Do you think I can tell the President: Boss, magkakagulo dito kapag ganu’n? No such thing happened in Japan. Spin na ‘yan,” diin ni Cayetano.
“Siguro ‘yung nag-spin ng mga ‘yan, eh ayaw nilang mabalik sa issue ng vote buying,” dagdag pa niya.

Aniya, dalawa sa kalaban niya sa speakership ang may kakayahan na manuhol para makuha ang pinakamataas na puwesto sa Kamara.

Tumanggi naman si Cayetano na pangalanan ang dalawang kandidato na gumagawa ng vote-buying. Ang ganitong kalakaran ay tiyak na ikasasama umano ng imahen ng Kamara.

Pero sa seminar-workshop na inor­ganisa ni Cayetano para sa mga bagito at datihang kongresista sa Clark, Pampanga, kahapon, nagmistulang labasan ito ng “wish list” para sa inilalatag na 2020 National Expenditure Program (NEP).

Ayon mismo kay Cayetano, ginawa niya ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng abot sa 50 mga bago at beteranong mambabatas upang ma­laman ng mga miyembro ng gabinete na namumuno sa mga implementing government agencies ang mga pa­ngangailangan ng kanilang mga nasasakupang distrito na pwedeng isama sa panukalang 2020 National Budget,

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng ilang miyembro ng economic cluster ng gabinete kabilang na sila Finance Sec. Carlos ‘Sonny’ Domiguez III, Public Work Sec. Mark Villar at iba pang matataas na opisyal mula sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Budget and Management (DBM).

“I assume, (they) will talk about the country’s finances on how we will keep the economy growing and how Congress can help; and how these can help the individual districts of each congressman around the country,” saad ni Cayetano.

Nilinaw ni Cayetano na ang pinatawag niyang pulong ay hindi upang ikampanya ang kanyang sarili bilang susunod na Speaker ng Kamara subalit nabanggit din niya na isa sa mga layunin nito ay upang malaman kung ano ba ang kumite na gustong salihan o pamunuan ng bawat isa sa kanila.

“It will give opportunity to see kung anong interest ng mga congressman sa mga chairmanships nila saka mga memberships,” saad ni Ca­yetano. (JC Cahinhinan)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...