Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suhol ng SinoVac tinabla ni Digong

0 452

Tiniyak ng Malacañang na hindi madadaan sa panunuhol ang mga eksperto sa bansa para mapabilis ang pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga kompanyang nakatuklas ng bakuna kontra COVID-19.

Tugon ito ng Palasyo matapos mapaulat ang umano’y panunuhol ng kompanyang SinoVac sa ibang bansa para mapabilis na maaprubahan ang kanilang vaccine kontra COVID.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga vaccine expert at sa Food and Drugs Administration (FDA) na siyang mag-aaral sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna kont COVID-19.

“Buo po ang tiwala ng ating Presidente kay Dr. Domingo at kung nangyari iyan sa ibang bansa ay hindi mangyayari dito. Dalawa lang po ang batayan kung maaaprubahan ang bakuna sa bansa, una yung kaligtasan at pangalawa ay yung pagiging epektibo,” ani Roque.

“Ang sisiguraduhin ko lang po lahat po ng bakuna ay dadaan sa masusing pag-aaral ng ating FDA,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.