Una sa Balita

Suhestiyon ni Diokno sa bigas, death trap – Piñol

0 514

TINURING ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na isang death trap ang panukala ni Budget Sec. Benjamin Diokno na huwag nang magtanim ng palay ang mga magsasaka bagkus ay mga high value crops na lamang ang itanim.

Katuwiran ni Piñol hindi maa­ring iasa lahat sa importasyon ang pangangailangan ng bansa sa bigas lalo at wala namang kasiguruhan na ang mga bansang pinag-aangkatan ngayon ng Pilipinas ay makakapag-supply pa din makalipas ang 10 taon.

“It is as certain as the sun will rise tomorrow that 10 years from now, Vietnam, Thailand, Cambodia, Myanmar, Pakistan and India will no longer be able to export the same volume of rice that they ship out today. They have to feed their growing population as well. The policy to just rely on imported rice and ask our rice farmers to diversify to other crops is a death trap. It is a shortsighted view which will kill the rice industry and drive away farmers from the rice fields,” paliwanag ni Piñol sa kanyang Facebook post.

Una nang isinulong ni Diokno na sa halip na bigas ay mga crops na malaki ang potensyal sa export market ang siyang tutukan na itanim ng mga magsasaka.

Kabilang umano sa high value crops na maaaring itanim ay abaca, cacao, cassava, coffee, oil palm at rubber.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy