Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sugod sa syuting: Jake nagselos kina Empoy-Kylie

0 586

Si Benjie Paras sang pinili ni Kylie Verzosa na pasado sa kanya bilang manliligaw. Yun ay kung sakaling wala siyang Jake Cuenca sa tunay na buhay, at wala ring misis si Benjie.

Hindi nga pinili ni Kylie sina Empoy Marquez at Andrew Muhlach, na kasama niya sa ‘Ghost Adventures’ digital movie ng Viva Films na napapanood sa Sari-Sari channel, at soon sa TV5 (?).

“Matangkad kasi ako, kaya si Kuya Benjie ang mas bagay sa akin,” sabi ni Kylie.

Pero chika ni Benjie, kay Empoy raw nagselos si Jake, at hindi sa kanya.

“Noong malaman ni Jake na ako ang kasama sa movie, okey lang, kampante siya. Pero, noong malaman niya na nasa movie rin si Empoy, aba, bigla siyang dumating sa set, nagbantay siya. Parang nakapangbahay lang siya noong time na `yon. Na-threaten siya kay Empoy! Hahahahaha!” natatawang kuwento ni Benjie.

“Well, normal naman `yon. Si Kylie, si Benjie talaga ang sasabihin niya, kasi nga presscon. Pero, sa tunay na buhay, ang tinitibok ng puso niya, ako talaga `yon.

“So, okey lang na hindi niya ako pinili sa presscon, pero in real life, ako `yon. Hahahahaha!” patawang sabi naman ni Empoy.

“Basta, nagulat din ako na biglang dumating si Jake sa set. Nakapangbahay pa. nagbantay talaga siya!” pabirong chika uli ni Empoy.

Well, si Empoy na talaga ang ‘the new gwapo’ kaya kahit si Jake ay atras sa kaguwapuhan nito. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.