Una sa Balita

Sugod na! 12K trabaho tampok sa DOLE caravan

By
0 160

Naghihintay para sa mga job seeker ang mahigit 12,000 bakanteng trabaho sa idaraos na Job Caravan bukas, Linggo, Agosto 12, sa SMX Convention Center, Pasay City.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III, mula alas-8:30 nang umaga hanggang alas-singko nang hapon ang job caravan.

Nabatid na ang oportunidad sa trabaho ay para sa mga skilled wor­ker, administrative staff, accounting, information technology (IT), gayun­din para sa mga engineering professional.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga bakanteng trabaho ay makikita sa Build Build Build Job Portal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasabay nito, nanawagan si Bello sa mga naghahanap ng trabaho, partikular ang mga manggagawang nagbalik ng bansa gayundin ang mga magtatapos na estudyante na samantalahin ang oportunidad sa trabaho sa ilalim ng Job Caravan ng Build Build Build Program ng administrasyong Duterte.

Inabisuhan ang mga aplikante na maghanda ng kanilang mga kinakailangang dokumento tulad ng resume (magdala ng mara­ming kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2×2 ID photo; photocopy ng mga training certificate (kung mayroon); certi­ficate of employment  sa dating pinagtatrabahuhan (kung mayroon);  transcript of records;  diploma; PRC License para sa mga posisyong pang-propesyonal; awtentikadong birth certificate; at NBI clearance.

Bukod sa Jobs Jobs Jobs Caravan, sinabi ni Bureau of Local Employment Director Dominique Rubia-Tutay na magkakaroon din ng sa­tellite on-site services ang SSS at iba pang ahensiya ng gob­yerno.