Una sa Balita

Sugo ng ‘Pinas sa Canada pinauwi dahil sa basura

0 159

ANUMANG araw at oras ay pauuwiin na sa bansa ang mga opisyal at mga empleyado ng embahada at konsulado ng Pili­pinas na nakabase sa Canada.

Ito’y matapos ipag-utos ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na i-recall ang lahat ng opisyal at mga tauhan nito matapos dumating ang deadline na Mayo 15 na ibi­nigay ng Pangulong Rodrigo Duterte na hakutin ng Canada ang kanilang mga basura sa bansa.

Ayon kay Locsin, bigo ang pamahalaan ng Canada na tumalima sa Mayo 15 na deadline ng pamahalaan para hakutin ang kanilang basura na nasa Pilipinas.

Kahapon nang madaling-araw ay naglabas ng kautusan si Locsin sa mga ambassador o opisyal sa nasabing bansa na hindi sila makakabalik hanggat hindi sila makatugon sa kautusan ng Pangulo. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy