Una sa Balita

Sugo ng EU nilektyuran ni Digong sa Palasyo

By
0 644

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kinatawan ng European Union na bisita sa isang aktibidad sa Malacañang kamakalawa nang hapon.

Sa kalagitnaan ng talumpati ay tinanong ng Pangulo ang mga bisita kung mayroong kinatawan ng EU, at tumayo ang isang dayuhan.

Sinabi ng Pangulo sa EU representative na tingnan ang kanilang polisiya ng pakikitungo sa mga maliliit na bansa.

Mistulang binigyan ng lecture ng Pangulo ang bisitang taga-EU at sinabing huwag ipahiya ang mga lider.

Maaari aniyang kausapin ang mga li­der ng bansa o bisitahin siya sa Malacañang at kausapin ito.

Maaari rin aniyang  tawagin si Peter Wallace dahil kaibigan niya ito at maaaring magtakda ng pulong.

“You might want to take a look in your policies. First of all, do not humiliate the lea­ders. Then you can talk to them, pay me a visit. I can…you can talk to me here. You can call Peter Wallace l. He is my friend. He can arrange for a meeting,” anang Pangulo.

Kasabay nito pinaalalahanan ng Presidente ang bisitang taga-EU na huwag basta basta magpadala ng imbestigador sa bansa dahil ito ay isang uri ng pakikialam partikular sa kanyang war on drugs.

“Don’t send investigators here to find out because that is ­really interference. That is really not allowed,” dagdag pa ng Pangulo.