Una sa Balita

Sugatang estudyante pinasan ng teacher sa baha

0 385

Umani ng papuri sa mga netizen ang isang guro sa Iloilo City matapos nitong pasanin ang kanyang estudyante nang bahain ang kanilang paaralan nitong Martes nang umaga.

May sugat umano sa paa ang babaeng mag-aaral at ayaw ni teacher Jessica Jayloni ng Iloilo City National High School na lumusong ang kanyang estudyante sa baha at baka madale ito ng leptospirosis.

Isa ang kanilang paaralan sa kadalasang binabaha kung saan umabot hanggang lampas sakong ang tubig sa silid-paaralan.

Maagang kinansela ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang klase dahil sa sama ng panahon kaya’t napilitang lumusong sa baha ang mga estudyante.
Ang pagbuhat ng teacher sa estudyante ay nakunan ng larawan at marami ang humanga sa pagpapahalaga ng guro sa kaligtasan ng kanyang estudyante.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy