Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sugatang civet cat, nasagip sa Samar

0 41

Isang sugatang civet cat ang dumaan sa pangangalaga ng mga awtoridad matapos sagipin ng isang grupo sa Eastern Samar.

Bago naisalba ay nakatanggap ng impormasyon ang grupong Guiuan Marine Resource Protected Landscape and Seascape mula sa isang concerned citizen hinggil sa kalagayan ng nasabing hayop noong Hulyo 24 ng gabi sa Barangay 08 bayan ng Guiuan, E. Samar.

Agad namang dinala sa Community Environment and Natural Resources Borongan Sub-office – Guiuan ang tinatayang 5-8 anyos na civet cat, para magamot ang sugat nito sa bibig at mata.

Pinakawalan naman noong Huwebes ang civet cat nang matiyak na magaling na ang mga sugat nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.