Una sa Balita

Sugar smuggling talamak pa rin – SRA

By
0 124

PINAIGTING ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang koordinas­yon nito sa Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa sugar smuggling.

Ayon kay Sugar Board Director Emilio Yulo, bagama’t may mga nasasabat na smuggled sugar ang BOC nitong mga nakalipas na buwan ay hindi pa rin natitigil ang tangkang pagpupuslit ng smuggled sugar lalo ngayong pa­nahon na mataas ang presyo ng ­asukal sa merkado kaya mataas ang tiyansa na magpuslit ng mga smuggled na asukal.

“It is hurting the industry especially with the coming opening of the milling season,” pahayag ni Yulo kaugnay sa sugar smuggling kung saan nakatakda umanong makipagpulong din ang SRA sa Philippine International Tra­ding Corporation upang palakasin ang kampanya laban sa sugar smuggling.

Aminado si Yulo na malaki ang nawawala sa local sugar industry kapag nakakapasok sa bansa ang smuggled sugar dahil nagkakaroon nang sobra-sob­rang supply sa merkado kaya kahit na lugi ay napipilitan ang mga sugar producer na magbaba ng kanilang presyo.

Habang malaki ang problema sa smuggling, umapela si Yulo sa Department of Labor and Employment na paspasan ang pagpapalabas ng 3% share of labor sa mga sugar farm wor­ker.