Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suelo naghari sa BVP chess

0 14

PINAGHARIAN ni FIDE Master Robert Suelo Jr. ang katatapos na BVP Santos Optical Arbiter Chess Tournament-Grand Finals na ginanap sa online sa lichess.org. kamakalawa ng gabi.

Nakalikom si 1996 Philippine Junior champion Suelo ng 65 points sapat para masilo ang titulo sa event na ipinatutupad ang time control na isang minuto at isang segundong increment kung saan paramihan ng panalo sa loob ng dalawang oras na paglalaro.

Pumangalawa si Marc Simborio na may 61 points habang third placer si National Master Ronald Llavanes na tumapos ng 58 puntos.

Fourth at fifth placer sina National Master Julius Sinangote at Robert Arellano na may 55 at 53 points, ayon sa pagkakasunod.

Nakapasok sa top 10 sina NM Cesar Mariano (6th), Eugene Santiago (7th), Emmanuel Dave Santos (8th) James Infiesto (9th) at Jan Mar Hondonero (10th). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.