Una sa Balita

Sue pinagpapantasyahan ng kababaihan

By
0 2,400

Kulang-kulang 300,000 likes na ang hinamig ng sexy photo ni Sue Ramirez, ang babaeng ina­akusahang tomboy, dahil sa maiksing buhok, at madalas na pakikipagharutan sa kapwa babae.

Pero sa latest photo na pinost niya sa Instagram, malabo ngang isipin mo na tibash siya, dahil ang kaseksihan nito ang unang papasok sa imahinasyon mo, lalo na ng kalalakihan.

Sa mahigit 1,500 komento ng mga fan, halos lahat ay nagsasabing sobrang seksi, katakam-takam ni Sue. Na kahit maiksi ang buhok at minsan mukhang lalaki kumilos, hindi maiiwasang paglawayan pa rin talaga siya ng mga kalalakihan.

‘Yun nga lang, tingnan mo rin ang komento ng mga kababaihan, dahil parang takam na takam din sila sa kaseksihan ni Sue, ha! Parang sila ang natotomboy kay Sue.

Sabi nga ni @tigeress28, “Ang hot!’ ni Sue.”

Hirit ni @angelarotil, “Ang sexy mo po.”

Puri naman ni @fourcharactername, “Mas bagay sayo shorthair.”

@mrvnprncp, “Slayin!”

@dtrio_ivy_jjjoh, “Woooow! Oh I love every shape of you..simply hot.. wish to have that curves too! God Bless Ms. Sue.”

Well, sa Wednesday ay makakaharap na­min si Sue sa presscon ng ‘Ang Babaeng Allergic Sa Wifi’, na bida sila ni Jameson Blake. At sige, alamin natin kung naaliw ba siya kapag pinupuri ng mga kapwa niya babae ang kaseksihan niya, o tipong pinagpapantasyahan na rin siya ng kababaihan.