Una sa Balita

Sue naaliw sa ‘putotoy’ ng bading

0 379

Para sa social media at sa kaligayahan ng kaibigan, at kahit makakita pa ng ‘ari’ ng isang bading, gagawin talaga ‘yon ni Sue Ramirez. Naaliw ang mga netizen sa mga larawang pinoste ni Sue sa kanyang Instagram para batiin ang kanyang hairstylist na nag-celebrate ng kaarawan.

Makikita sa Instagram post ni Sue ang larawan niya sa iba’t ibang anggulo suot ang isang two piece bikini swimsuit. Kasama ni Sue sa larawan ang isang matabang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa kamera.

Nasa ilalim ng malaking stone formation sina Sue at ang kanyang kasama. Hindi simple ang mga shot dahil hubo’t hubad ang kanyang gay hairstylist.

Nakaluhod si Sue sa tabi ng bading na walang anumang saplot sa katawan kaya siguradong nakita niya ang putotoy ng kaibigan.

Nakakaloka man ang shot pero nagbigay naman ito ng entertainment sa mga follower ng aktres dahil nga sa concept nito.

Yasmien nanginig, naiyak sa harap ni Lea

Nalunod sa kasiyahan si Yasmien Kurdi nang makasama ang idol niya.

Si Yasmien ay kinilig nang husto nu’ng ma-meet nang personal si Lea Salonga at magkaroon pa sila ng photo na magkasama. Kumanta si Yasmien sa concert ni Maestro Ryan Cayabyab at ganundin si Lea.

Ayon sa caption ng photo nila ni Lea na pinoste ni Yasmien sa Instagram niya, na-starstruck, nanginig at naiyak siya nu’ng makita si Lea.

Halos mabaliw siya sa kasiyahan nu’ng makilala niya ito nang personal at makasama sa photo.

Sa kuwento niya, avid fan si Yasmien ni Lea at sinundan pa niya ito sa isang mall noon habang namimili.

Neri naloka sa papuri ni Kris

Idinuyan naman sa alapaap si Neri Naig, misis ng lead singer ng Parokya ni Edgar, dahil sa papuri ni Kris Aquino sa kanyang pagiging successful entrepreneur.

Pinoste ni Neri sa kanyang Instagram ang comment ni Kris tungkol sa mga ‘thoughts’ nito na itinuro sa kanya ng yumao niyang ina, ang dating presidenteng si Cory Aquino.

Ang pagiging hardworking ni Neri ang isa sa pinuri ni Kris sa kanyang mensahe, na hindi umaasa sa iba para magtagumpay sa karerang pinasok niya.

Ipinagpalit ni Neri ang showbiz career para sa kanyang sariling pamilya at makapagpatayo ng iba’t ibang negosyo.

Hindi makapaniwala si Neri na mapapansin siya ng isang Kris Aquino na sikat at kinikilala sa lipunan.

Herpes ni aktres ginamot ni Dr. Bles

Isang rebelasyon ang pinakawalan ni Dr. Bles Salvador, anchor ng teleradyo program nito sa DZMM, ang “Dra. Bles at Ur Serbis.”

Hindi na nagbanggit ang celebrity radio anchor ng mga pangalan, pero ibinahagi niya na may mga naging pasyente siyang mga artista na nagpakonsulta at nagpagamot sa kanya.

Isa na nga rito ang isang aktres na may herpes. Paliwanag ni Dra. Bles, importante sa kanilang mga practicing medicine ang pangalagaan ang privacy ng kanilang mga pasyente kahit sa mga matatalik na kaibigan pa ng mga ito.

Ang “Dra. Bles at Ur Serbis” ay isang programa na tumutulong magbigay ng kaalaman sa mga tao para pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Mula pa noong 2002, labimpitong taon nang nagbibigay ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman sa tao, ang radio show na ito ni Dra. Bles na mapapakinggan tuwing Lunes, 6pm, sa DZMM Radyo Patrol at mapapanood sa parehong time slot sa DZMM Teleradyo. Tinatalakay rin sa programa ni Dr. Bles ang tungkol sa sex.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy