Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sue kinabog sina Julia, Nadine bilang kabit

0 110

Ang bongga rin ng Dreamscape Entertainment production unit ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Deo Endrinal. Sunod-sunod ang mga project nila.

Sa May 15 na raw magsisimula ang lock-in taping nila for “Marry Me, Marry You” na pagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Sa kanila rin ang Pinoy adaptation ng “Doctor Foster”.

Wala pang official announcement, pero ang tsika, si Jodi Sta. Maria na talaga ang magbibida roon at leading man si Zanjoe Marudo at si Sue Ramirez raw ang other woman. Oh, di ba? Talbog ni Sue ang ibang napabalitang gaganap na kabit, tulad nina Julia Barretto at Nadine Lustre?

So, pinalalabas ng iba na si Lovi Poe ang gaganap na other woman, wala raw talagang katotohanan ‘yon.

Well…

Aktres ayaw anakan ng afam

Tama ba ang tsikang nakarating sa akin na kaya nakipaghiwalay na raw ang singer-actress na ito sa kanyang foreigner-boyfriend ay dahil ayaw raw ni lalaki na magkaanak sila.

Eh, si singer-actress pala, nagpa-“freeze” na ng kanyang eggs dahil gusto pa pala niyang magkaroon ng isa pang anak.

Lumalaki na kasi ang anak ni singer-actress at gusto raw niya na magka-baby uli.

Sabi ng isa niyang kaibigan, sisiguraduhin daw ni singer-aktres na ang susunod na makakarelasyon ay ‘yung gusto rin na magkaanak sila.

Pokwang bet ni Annabelle

Alam mo, Dondon (my dear editor), naaaliw talaga ako kay Pokwang kapag pinapanood ko ang trailer ng “Mommy Issues” Mother’s day presentation ng Regal Entertainment, Inc.

Parang nakikita ko sa kanya si Annabelle Rama, huh!

Actually, isa si Pokwang sa mga nanggagaya kay Bisaya noon pa, pero maging ang Gutierrez matriarch naman, naaaliw sa comedienne kapag ginagaya siya.

Noon pa naman kasi sinasabi ni Pokwang na idol niya si Tita Annabelle.

Actually, sa isang pa-show ko noon sa Zirkoh ni Allan K., isa sa mga performer si Pokwang at nanood naman si Tita Annabelle.

Tawa lang ng tawa si Bisaya habang ginagaya siya ni Pokwang.

Anyway, dahil naaaliw ako sa trailer ng “Mommy Issue”, nangako ako kay Pokwang na panonoorin ko ang movie niyang ‘yon!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.