Una sa Balita

Subversion gawing krimen

0 298

Dear Abante:
Kaisa ako ng PNP at AFP sa pagsuporta sa panukala ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) na i-criminalize ang subversion.

Kung tutuusin nga eh, dapat noon pa ipinatupad ang policy na ito kasi matagal nang nagpakasasa at nagpakaligaya sa paggamit at pangre-recruit ng kabataan ng mga leftist group.

‘Yun ngang kabataan at mga guro na nag-uudyok sa kanilang mga kamag-aral at estudyante na sumali sa mga organisasyong may koneksyon sa mga teroristang NPA ay dapat ding parusahan. Sa totoo lang, hindi naman ang gobyerno ang kawawa sa labang ito. Ang totoong kawawa ay ‘yung mga estudyanteng nabiktima ng mga leftist organizations at ang pamilya ng mga ito dahil buhay at pangarap nila ang nasisira.

Sa mga paaralan sana, huwag nilang hintulutang may ma-recruit na mag-aaral sa kanilang paaralan. Maging mahigpit sana sila sa mga organisasyong pumapasok at nabubuo sa kanilang paaralan dahil responsibilidad nilang pangalagaan ang lahat ng estudyante at ma-guide ang bawat mag-aaral sa tamang landas.
John Brian T. Gateb

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy