Una sa Balita

Subukan ang gamot ng Japan vs coronavirus

0 663

Aabot daw sa 75,000 katao ang tatamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas sa loob lamang ng limang buwan.

Ito ang pagtaya ng World Health Organization. Nakakaki­labot ang numerong ito dahil parang tayo na ang susunod na Wuhan, China na siyang unang epicenter ng COVID-19.

Kaya naman pinulong ni DILG Secretary Eduar­do Año ang lahat ng alkalde sa Metro Manila at bumuo ng desisyon na magpatupad ng curfew upang mapigilan ang paglalabasan ng mga tao sa kanilang bahay.

Kasunod nito ay pinatupad naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kasabay ng hakbang na ito, tigil muna sa trabaho ang mga manggagawa.

Tigil din ang public mass transportation. Wala nang biyahe sa MRT, LRT, PNR at mga bus, jeepney at tricycle.

Marami ang nabigla at umaangal sa naging hakbang ng gobyerno.

Nauunawaan natin ang hinaing ng mga manggagawa, lalo na ‘yong mga kumikita lamang kapag pumapasok sa trabaho.

Pero maunawaan din sana ng ating mamamayan na kaya ginawa ito ni Pa­ngulong Duterte ay para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Kaya napakahalaga ng pagkakaisa para masugpo ang pagkalat ng virus.

At mangyayari lamang ito kung susunod sa ipi­nag-uutos ng gobyerno.

Sa kasaysayan ng bansa, ngayon lang pinairal ang public health emergency kaya kailangan nating umakto alinsunod sa mga nilatag na polisiya ng gobyerno.

Magdasal din tayo para malagpasan ang pagsu­bok dulot ng pagkalat ng coronavirus. Ipagdasal natin ang mga doktor, nurse at iba pang health worker na siyang nakatutok sa mga tinamaan ng COVID-19.

Sila ang mga nagpapakahirap para mapagaling ang mga dinapuan ng nakamamatay na coronavirus.

Sa huling bilang ng Department of Health noong Miyerkoles, Marso 18, 2020 katao na ang tinamaan ng coronavirus at 17 dito ang namatay.

Ang magandang balita, 6 katao na ang gumaling sa naturang sakit.

Pero dahil sa paglobo ng bilang ng mga dinadapuan ng coronarivus, hinihikayat ko si Health Secretary Francisco Duque na pag-aralan ang posibilidad na gamitin ang influenza medicine na ginawa ng Japan at inendorso ng China bilang epektibong panlaban sa COVID-19.

Siyempre, kailangan pa rin itong suriin ng Food and Drug Administration para maberipika kung totoong ligtas na gamitin.

Nirekomenda na ng Beijing ang favipiravir na ginawa ng Fujifilm Toyama Chemical ng Japan at binebenta sa brand name na Avigan.

Mismong opis­yal ng China National Center for Biotechno­logy Development ang nagsabing ligtas ito at epektibong panlaban sa coronavirus. Sinubukan na ang naturang gamot sa 200 pasyente ng ospital sa Wuhan at Shenzhen at nagnegatibo ang mga ito sa average na 4 araw lamang.

Sana magamit ni Pangulong Duterte ang kanyang magandang relationship kay Prime Mi­nister Shinzo Abe upang mapigil ang pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng pagpapagamit ng kanilang medisina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More