Una sa Balita

Subsidy para sa magsasaka sinulong ng Ang Probinsyano Party-list

0 331

Nanawagan kama­kailan ang Ang Probinsya­no Party-list ng agarang subsidy para sa mga magsasaka.

Ayon sa Ang Probinsyano Party-list, kaila­ngan ang mabilis na pagbibigay ng Department of Finance (DOF) at Department of Agriculture (DA) ng karampatang subsidy para sa mga magsasaka upang hindi sila lalong malugmok sa kahirapan dulot ng rice ta­riffication law.

Maaaring tuluyan nang bumagsak ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas kapag hindi agad na­bigyan ng ayuda ang mga magsasaka ng bigas dahil na rin sa pagdagsa ng mga mga mura at impor­ted na bigas, paliwanag ng Ang Probinsyano Party-list.

Sa pagdalaw ng Ang Probinsyano sa lalawigan ng Nueva Ecija na mas kilala bilang Rice Bowl ng Pilipinas kamakailan, hiniling ng grupo na maglaan agad ang pamahalaan ng ayuda para sa kanila upang maagapan ang masamang epek­to ng rice tariffication sa kanilang kabuhayan.

Kasama naman ng Ang Probinsyano Party-ist ang actress na si Meg Imperial sa pagbisita sa naturang lalawigan bilang kaagapay sa kanilang adhikain na maisulong ang kaunlaran sa mga kanayunan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy