Una sa Balita

Submission wrestler sumasahod kahit walang laban — impormante

0 219

MATAPOS na ibulgar ang ilang kabulukan sa Wrestling Association of the Philippines (WAP) ay kinuwestiyon naman ng mga nagpakilalang ‘concerned sportsman’ ang pagkakaroon ng mga submission wrestler sa pambansang koponan na nakakakuha ng allowance mula sa pondo ng Philippine Sports Commission (PSC).

Una nang ipinangako sa Abante/Abante Tonite na ibibigay ng concerned sportsman ang listahan ng mga miyembro ng WAP na nasa pambansang koponan na tumanggap ng buwanang allowance mula sa PSC upang maipakita nito kung sino ang kabilang sa Olympic style wrestling at nasa mixed martial arts na mga submission wrestler.

Ang listahan na ibinigay ay kinabibilangan ni Joseph Angana, Margarito Angana, Allen Mitch Arcilla, Anthony Arcilla, Jason Balabal, Jason Baucas, Joe Fer Callado, Michael Vuay Cater, Henry Foy-os Jr,. Minalyn Foy-os,

Grace Loberanes, Alvin Lobrequito, Jefferson Manatad, Jonathan Maquilan, Johny Morte, Noel Norada, Ronil Tubog, Francis Villanueva, Kai Guingino, Maybeline Masuda, Nathanielle Vince Ortiz, Justin Aloirec Ceriola, Maria Asia Ratcliff at Sweet Berry Perez. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy