Una sa Balita

Submission sa Roligon

0 1,364

IPINAALALA sa mga sasali ang submission ng entries bukas, Miyerkoles, June 5 para sa “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” sa Roligon Mega Cockpit.

Sa Huwebes, June 6, ang umpisa ng laban kung saan may P100,000 day prize agad ang mga iiskor ng tatlong panalo sa 3-cock elims.

Garantisadong P5 mil­yon na premyo, mababang P11,000 entry fee, P5,500 minimum bet at tsansang makilala sa bigtime sabong.

May bonus din na P100,000 day prize (hati -hati) para sa three pointers sa 3-cock elims sa June 13, 20 at 27; July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals: Aug. 1 (1, 1.5, 2 at 2.5 points may premyong P400,000 sa 2 pointers) at Aug. 8 (3 points).

Para sa champion handler ang P100,000 at gaffer, P70,000.

May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.

“Those who will score three wins in the elims need two more victories to bag the championship. Insurance fights are also possible,” ani Roligon CEO Dennis Ligon, host.

Sa detalye: 519-7345 (Roligon office), 0920-9509090 (Shirley) at 0926-7134069 (Tiling). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy