Una sa Balita

Subido, UST susuwagin ang Ateneo

0 339

Finals Game 1 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:00 p.m. — Ateneo vs UST

DODOBLE kayod muli sina Renzo Subido at ­University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa Game 1 ­Finals ng UAAP Season 82 men’s basketball ­tournament ­kontra reigning champions Ateneo de Manila ­University (ADMU) Blue Eagles alas-kuwatro Sabado ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Mula No. 4 seed rumagasa sa stepladder semifinals ang Growling Tigers,
pinataob ang No.3 FEU Tamaraws noong Nobyemre 6 sa iskor na 81-71 at dalawang beses na binuwag ang No. 2 seed UP Fighting Maroons, Nobyemre 10 sa ­iskor na 89-69 at Nobyembre 13 sa iskor 68-65.

Matatandaan na huling nakasampa ang UST sa championship noong 2015 pero bigo sa FEU ­Tamaraws para sa korona.

“I told them to refocus because hindi pa tapos. Hindi pa tapos. Nakita ko lang ‘yung celebration, ako medyo ­nag-worry ako ng konti kasi ayaw ko makita ng ganu’ng celebration na mukhang silang nakukunteto. And some of the coaching staff were crying, even my wife was crying, but I told her, sabi ko mommy wala pa tayo na-aachieve. So we have to refocus and prepare for our next game,” ­pahayag ni UST coach Aldin Ayo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy