Una sa Balita

Subic record breaking ang 2018 ₱22.4B collection – Gregorio

0 335

Sa kauna-unahang pagkakataon, sumirit sa pinakamataas na P22.4 bilyon ang naitalang koleksyon ng Port of Subic (POS) noong nakaraang taon.

Ayon kay district collector at lawyer Rhea Gregorio, ito ang u­nang pagkaka­taon na nalagpasan ng POS ang taunang buwis na kanilang nakokolekta na umaabot sa P21.1 bilyon.

Sinabi ni Gregorio na malaking bahagi nito ay mula sa 37 porsyentong pagtaas ng nakolekta nilang import duties at iba pang taripa sa kanilang pantalan noong nakaraang taon na umabot sa P16.3 bil­yon.

Ito ay resulta umano ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa pantalan at iba pang regulasyon sa pagtataripa.

“This enabled the port to recover its deficit in the past three quarters and finish strong toward the last quarter of the year. The amount is higher by P544.6 million than the port’s re­venue goal during the period or a positive growth of 28.5%,” paliwanag ni Gregorio.

Aniya, ang nalikom nilang buwis sa buwan ng Disyembre ang pinakamataas sa kasaysayan ng pantalan.

Pinasalamatan naman niya ang mga tauhan ng pantalan dahil hindi aniya nila ito makakamit kung hindi dahil sa kanilang pagsisikap at sakripisyo na makapaghatid ng magandang serbisyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy