Una sa Balita

Suberbia binully ang mga kalaban

0 193

PINAGLARUAN ng liyamadong Suberbia ang mga katunggali kaya walang kahirap-hirap nitong inangkin ang panalo sa Three-Year-Old & Above Maiden Race Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sinunggaban ni Suberbia ang unahan paglabas ng aparato at kahit nilulutsa siya nina Italia­na at Manlot Island ay hindi ito binitawan ang bandera.

Hanggang sa huling 600 metrong karera ay patuloy na nangungulit sina Italiana at Manlot Island pero hindi sila pinapansin ng winning horse.

Pagsapit ng rekta ay kumalas na si Suberbia upang makaungos ng anim na kabayong agwat sa mga humahabol pagtawid ng meta.

“Ibinigay ko kung ano gusto ni Suberbia tutal maganda naman ang puwesto namin at malaki ang tiwala ko na hindi siya tutukod,” saad ni apprentice rider RM Adona.

Sumegundo sa 1,300-meter race si Italiana habang terserong dumating si Manlot Island.

Natanggap ng owner ni Suberbia ang karagdagang premyo na P10,000 mula sa Philippine racing­ Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy