Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sub-leader ng Dawlah Islamiya sumuko

0 57

Kusa umanong sumuko nitong Miyerkoles ang sub-leader ng grupong Dawlah Islamiya, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Nagbalik-loob sa pamahalaan si Khalid Kalaing, 57-anyos na sub-leader umano ng Dawlah Islamiya-Maguid group sa Sultan Kudarat, sa pamamagitan ng 7th Infantry Battalion, 601st Infantry Brigade, at 603rd Infantry Brigade.

Sinabi ni Lt. Col. Romel Valencia ng 7th IB na si Khalid ay sumuko sa headquarters nila na nakabase sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan dala umano nito ang M635 rifle, M16A1 rifle, isang calibre .30 M1 carbine, isang M14 rifle, isang calibre .30 M1 garand, at mga bala.

Dagdag ni Valencia, ang pagsuko ni Khalid ay bunsod ng walang-tigil na operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde.

Matatandaang nagkaroon ng mga sunod-sunod na sinasabing pagsuko ng mga rebelde sa Central Mindanao dahil sa kampanya ng JTF Central laban sa mga armadong grupo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.