Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suarez vs Mangubat plantsado sa Marso

0 55

MAKAKABANGGA ni Olympian Charly Suarez si knockout artist Tomjune Mangubat sa darating na Marso 5.

Magtutuos ang dalawang Pinoy fighter para sa bakanteng World Boxing Association super featherweight title sa Paranaque City.

Dapat ay si Roldan Aldea ang orihinal na makakasabong ni Suarez ngunit nang mag-backout ito ay si Mangubat ang naging kahalili.

Magugunitang huling lumaban si SEA Games gold medalist Suarez noong Disyembre 4 kung saan tinalo niya sa “Ultimate Knockout Challenge” si Delmar Pellio via split decision.

Hawak ngayon ni 33-anyos Asuncion-pride boxer Charly ang malinis na 9-0 record.

Samantalang mainit-init pa ang kamao ni Tomjune dahil kakagaling lang nito sa four-win streak para sa 15-2 panalo-talo kartada. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.