Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suarez namudmod ng fiber glass boat sa mga mangingisda

0 105

Laking pasalamat ng maraming pamilyang mangingisda ng Barangay Ibabang Pulo nang kanilang matanggap ang 60 fiberglass boats mula kay Governor Daniel E. Suarez.

“Pormal po nating ipinagkaloob ngayong araw ang 60 fiberglass boats sa ating mga kababayang mangingisda na miyembro ng 4Ps sa bayan ng Pagbilao, Quezon,” ani Gov. Suarez.

Napag-alaman na bukod sa mga bangkang yari sa matibay na fiber glass ay nagsagawa rin ang gobernador ng training sa paggawa ng mga nasabing bangka.

“Ito po ay bunga ng ating pakikipagtulungan sa regional office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong ipagpatuloy ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ating lalawigan,” diin ni Suarez.

Ayon sa mga residente, malaking tulong sa kanilang kabuhayan ang mga fiber boats sa gitna ng pandemya.

Kasama sa nabanggit na aktibidad sina Vice Governor Sam Nantes , 1st district Board Member Alona Obispo at Mayor Shierre Ann Palicpic.

Ilang taon na ring pinatunayan ni Suarez ang natatanging tatak na “Aksyon at Serbisyo” sa lalawigan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.