Una sa Balita

Suarez, men’s water polo sa PSA Forum

0 409

PANAUHIN ang nagbabalik sa national boxing team na si Charly Suarez at ang Philippine men’s water polo team upag talakayin ang kani-kanilang parating na kampanya sa 30th Southeast Asian Games sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Magiging unang Filipino pro boxer si Suarez na tangkang lumaban sa isang international multi-sports event matapos mapabilang sa boxing team na sasabak sa SEA Games.

Makakasama niya sa 10am session ang kanyang coach na si former national team member Delfin Boholst.

Dadalo rin sa forum na handog ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang ilang miyembro ng water polo team na tumapos ng fifth sa FINA Water Polo Challengers’ Cup nitong weekend sa Singapore.

Ipapalabas ang session sa livestreamed via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at ieeere ng delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 bandang ala-una hanggang alas dos ng hapon at uulitin bandang alas-6:30 ng gabi.

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng PSA na dumalo sa forum.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy