Una sa Balita

Suarez at kagrupo masisipa sa pagsipsip kay Gloria — Lagman

By
0 1,012

Tanggal na umano sa minorya ang grupo ni Quezon Rep. Danilo Suarez matapos ikampanya at iboto ng mga ito si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker.

Ito ang binigyang-­diin kahapon ni Albay Rep. Edcel Lagman na miyembro ng grupong Magnificent 7 sa Kamara.

“It is foolhardy for Suarez and his group to insist that in the recent House upheaval there was a mere change in the position of Speaker and the rest of the major positions, including that of the minority leader­, remain the same,” pahayag ni Lagman.

Bagama’t ang posis­yon lamang aniya ng Speaker ang idineklarang bakante, ang ano mang pagbabago sa pamumuno ng isang legis­lative assembly gaya ng House of Representatives ay magbibigay-­daan sa pagbabago ng mga bumubuo sa m­ayorya at minorya.

“This is inevitable because a change in leader­ship automatically carries with it the shifting of alliances and loyalties. The change in the speaker­ship did not happen in an isolated vacuum. It was effected through the mobilization of partisan forces, severance of alliances, and obliteration of loyal­ties,” paliwanag ni Lagman.